Eskandalo! Part 2

May bulung-bulungan daw sa mundo ng showbiz na pati ang anak ng Megastar na napakaganda at napaka-sweet ay biktima ng eskandalo. Napapabalitang nakunan daw ng Bidang Doktor itong si Sweet Gurl at ang palabas na ito ay naisama diumano sa 40 eskandalong nasa hard disk ng laptop ni Bidang Doktor.

Hindi ako naniniwala na ito ay posible sa anumang kaparaanan na mayroon itong Bidang Doktor na ito. Ako ay nananalig na si Sweet Gurl ay nanggaling sa isand desenteng pamilya at hindi kailanman maaaring mabiktima ng isang iresponsableng nilalang.

Siyempre, hindi maiiwasan ang naglipanang mga mata at kaisipan sa loob at labas ng industriya na magbantay hanggang may lumabas na katibayan. Sana talaga, itong isyu ng kahalayan at kahayupan na umiinog sa showbiz undsutry ay tuluyan nang matuldukan sa lalong madaling panahon. Maparusahan ang dapat maparusahan at managot sa batas ang mga may pasimuno at pakana ng naturang sagad sa butong kamalisyahan na ito!

Kay Sweet Gurl… huwag kang mangamba, marami ang hindi naniniwala sa naturang bulung-bulungan na ito at isa na ako doon. Nanalig ako na ikaw ay isang desente at mabait na Filipina at alam ng lahat iyan!

~ ni matabangmakatangtagamakati sa Hunyo 6, 2009.

Isang Tugon to “Eskandalo! Part 2”

  1. naku ha. si betty la fea nga din meron na. hahaha! grabe.

Mag-iwan ng Tugon